Dalaga pinapak ng dalawang kainuman

HINDI inakala ng isang dalaga na ang pakikipag-inuman sa dalawang kaibigang lalaki ang magiging dahilan ng kanyang kapahamakan matapos siyang halinhinang gahasain sa Caloocan City, kaninang madaling-araw, Abril 15.

Nadakip naman si Jason Manalo, 19, habang nakatakas naman ang isang alyas Buboy kapwa ng Sta. Quiteria, nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 19, itinago sa pangalang Liza, niyaya umano siya kagabi ng dalawang suspek na mag-inuman sa bahay ng isang alyas Toto sa Cleofas St., Sta. Quiteria.

Dahil kakilala ay pumayag ang biktima pero pagsapit ng alas-12:30 ng madaling-araw ay nagkalasingan na kaya nagpaalam ang isa nilang kasamang babae na uuwi na.

Inihatid ni Toto ang bebot at nang maiwan ang biktima at mga suspek ay agad na pinaghihipuan si Liza sa maseselang bahagi ng katawan.

Nang pumalag ang biktima ay sinuntok siya sa sikmura ng isa sa mga suspek bago pinatungan ni Manalo.

Nang matapos si Manalo ay si Buboy naman ang humalay sa dalaga at nang kapwa makaraos ay basta na lang iniwan ang biktima.

Nang bumalik ang lakas ay umuwi ng bahay si Liza at nagsumbong sa kanyang mga magulang dahilan kaya nadakip si Manalo habang nakatakas si Buboy. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply