Dalagang may sakit sa pag-iisip, pinatay ng tatay

MALAGIM na kamatayan ang inabot ng dalagang may sakit sa pag iisip matapos talian ng lubid at sinturon sa leeg ng sariling ama saka iginapos sa poste sa kanilang bahay at pinagpapalo sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa Agusan del Sur.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Shiela Supas, 20, ng Purok 2, Brgy. 2, San Francisco, Agusan del Sur.

Nakakulong na ang suspek sa brutal na pagpatay sa kanyang dalagang  anak na si Marcelo Supas, 66, biyudo matapos sumuko sa pulisya.

Ayon kay PO3 Warren Joy Urbiztondo, patay na nang kanilang datnan pasado alas-5:00 ng umaga ang biktima matapos sumuko ang ama nito.

Nabatid sa suspek na nagpupumiglas umano ang biktima upang makawala sa pagkakagapos kaya kanyang pinagpapalo hanggang sa humigpit ang pagkakatali ng sinturon sa leeg nito, ikinamatay ng dalaga.

Inihanda na ng pulisya ang kasong parricide laban sa suspek. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply