Dalagita ginahasa sa Naga

DUMULOG sa himpilan ng pulisya sa Naga City, Camarines Sur ang isang 18-taong gulang na dalaga matapos siyang gahasain ng isang hindi pa nakikilalang salarin.

Naglalakad umano ang biktima kagabi, Abril 13, papauwi sa tinutuluyang boarding house sa Barangay Abella, naturang lungsod, nang harangin siya ng isang nakamotorsiklong lalaki at tutukan ng patalim.

May ipinaamoy umano sa kanya kaya siya nahilo at nagising na lamang siyang habang ginagahasa sa isang madamong lugar ng naturang lalaki.

Kaagad naman umanong tumalilis ang suspek matapos gawin ang panghahalay.

Ang biktimang na hindi pinangalanganan ay residente ng bayan ng Goa, Camarines Sur. Hawak ng Women and Children’s Protection Desk ng Naga Police ang biktima. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply