Dalagitang nasadlak sa prostitusyon nasagip

ISANG 14-anyos na dalagita na hinihinalang biktima ng prostitusyon ang nasagip ng mga awtoridad matapos itong dukutin noong Marso 27.

Ayon kay Assistant City Prosecutor Jonathan Lledo, hepe ng National Inter-Agency Task Force Against Trafficking (IACAT) ng Department of Justice (DOJ), humingi ng saklolo sa pulisya ang ina ng biktima na hindi pinangalanan na dinukot noong nakaraang buwan sa Batasan Hills sa Quezon City.

Agad namang kumilos ang IACAT sa pakikipagtulungan ng National Bureau of Investigation (NBI), Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) at Philippine National Police (PNP) para matunton ang kinaroroonan ng biktima.

Nakakuha ng positibong lead ang mga awtoridad nang makatanggap ng text message ang ina ng biktima mula sa suspek na humihingi ng pera kapalit ang kalayaan ng kanyang anak.

Nang makipagkita ang biktima sa suspek sa isang mall sa Quezon City, humantong iyon sa pagkakabawi sa bata sa Upper Banlat, Tandang Sora at sa pagkaaresto naman sa mag-asawang suspek na hindi pa pinapangalanan.

Ipinagharap na ang mga suspek ng reklamong paglabag sa Anti-Human Trafficking in Persons Act at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply