Dating pulis binaril, kritikal

NASA malubhang kalagayan ang isang dating pulis matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay umiinom sa Caloocan City Linggo ng gabi, Abril 24, 2011.

Ginagamot sa Jose Rodriguez Hospital (JRH) sanhi ng tama ng bala sa leeg si Samuel Galang, nasa hustong gulang ng Phase 7B, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, umiinom ang biktima sa Phase 5, Bagong Silang nang barilin ito ng salarin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRH.

Inaalam na ng pulis ang pagkakakilanlan ng suspek upang mapanagot sa nasabing insidente. Rene Manahan

 

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply