Dating sundalo nakipagbarilan sa pulis, patay

UTAS agad ang isang dating sundalo matapos makipagbarilan sa isang bagitong pulis dahil lamang sa gitigitan ng kanilang sinasakyang motor kagabi sa kahabaan ng Leoño St., Tañong, Malabon City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Pagamutan Bayan ng Malabon (PBM), sanhi ng tinamo nitong punglo ng 9mm pistol sa katawan ay nakilalang si Francis Nepomuceno y Delantar, 38, dating sundalo, at naninirahan sa Damata Letre, Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod.

Samantala ang suspek na pinaghahanap ngayon ng kanyang kabarong pulis ay nakilalang si PO1 Benedict Antaran y Maño, 25, binata, at nakatalaga sa Northern Police Distirct-District Police Safety Batallion ng (NPD-DPSB).

Sa ulat na ipinadala ni Sr. Supt. Cornelio Barrios, hepe ng Malabon police, kay Chief Supt. Edgardo Ladao, director ng Northern Police District, dakong alas-8:55 ng gabi nang naganap insidente sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, ang biktima ay may kaangkas habang sakay ng kanyang service motorcycle na XRM na plakang 3535-PI, kulay blue, habang ang suspek ay sakay din ng kanyang XRM motor na may plakang C01116 na kulay blue din nang aksidenteng magkasagian na humantong sa mainitang pagtatalo.

Sa kabila ng nasabing bangayan, agad umanong nagbunot ng kalibre 45 ang dating sundalo at sa puntong ito, mabilis namang pinaputukan agad ng nasabing police ang biktima na humantong sa kanyang kamatayan.

Ang duguang biktima ay mabilis na dinala ng kanyang kaangkas sa motor na si Rodel Alberto sa nasabing pagamutan, subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng buhay.

Hanggang ngayon, hindi pa sumusuko ang suspek sa kanyang mataas na opisyal. Dahil dito, nagpalabas na ng manhunt operation ang pamunuan ni Chief Supt. Ladao sa ikadarakip agad  sa nasabing pulis. Roger Panizal

 

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply