Davao Oriental nilindol

NIYANIG ng 4.1 magnitude ang probinsiya ng Davao Oriental nitong madaling araw ng Huwebes Santo, ika-21 ng Abril.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), naganap ang paglindol bandang 3:53 ng madaling araw at walang inaasahang aftershock.

Namataan ang sentro nito sa 251 kilometro timog silangan ng Mati, Davao Oriental. Tectonic ang naging dahilan ng pagyanig.

Wala naman naiulat na nasira o nasaktan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply