Davao, Surigao nilindol

MULING nilindol ang Davao kaninang madaling araw, Biyernes Santo, ayon sa Philvocs.

Bandang 2:06 ng umaga, niyanig ang Davao ng magnitude 3.4. kung saan namataan ang sentro ng nasabing lindol sa 24 km Timog Silangan ng Davao City.

Kahapon ng madaling araw ay inuga rin ang Davao Oriental ng 4.1 magnitude.

Samantala naramdaman din ang pagyanig si Surigao matapos silang tamaan ng magnitude 4.0 earthquake bandang 10:20 kagabi.

Namataan ang sentro ng nasabing lindol 123 km Timog Silangan ng Tandag, Surigao del Sur.

Sa dalawang magkasunod na pag-uga ay walang naitalang nasira o nasaktan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply