David humabol sa Phl Open Pool championship

NAKAKUHA ng ticket si Renemar David upang makasargo sa main draw ng Philippine Open Pool Championship na gaganapin sa Abril 7 hanggang 11 sa SM Megamall sa Mandaluyong City.

Tinumbok ni David ang 9-5 panalo kontra Pei Wei Cheng ng Chinese Taipei sa Qualifier 5 kahapon (Sabado ) sa Star Billiards Center sa Quezon City upang samahan ang kapwa Pinoy cue artists na sina Jundel Mazon at Roberto Gomez na nauna ng nakapasok noong Biyernes.

Nakauna ng tatlong rocks ang 21 anyos na si David, (3-0) at may pagkakataon pa sanang matumbok ang ika-apat na sunod na panalo subalit sumablay ito sa no. 10 ball upang mabigyan ng pagkakataon ang Taiwanese cue artist na makadikit sa laban matapos ang fifth frames, (3-2).

Hindi naman nasiraan ng loob ang tubong Candon, Ilocos Sur na si David matapos sargohin ang apat na panalo sa limang laro, (7-3).

“Mabuti na lang at naka-una ako ng tatlong rocks kaya medyo nagbago ang tira niya, (Pei) ang dami niyang sinablay kaya hindi ko sinayang ‘yung pagkakataon.” masayang wika ni David.

Dumaan sa butas ng karayom bago nakalusot si David sa qualifier 5 kung saan ay limang foreign cue masters ang kanyang nakasagupa. Elech Dawa

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply