De Lima dapat kumilos sa mga tinuwarang kaso–KKKK

HINIKAYAT ng anti-graft group na Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (KKKK) ang Department of Justice na panagutin ang lahat ng mga taong-gobyerno na nagkasala sa panahon ng kanilang panunungkulan.

Ayon kay KKKK spokesman Jun Peña, dapat ipakalkal ni Justice secretary Leila de Lima ang lahat ng mga kasong natutulog sa korte, lalo sa Office of the Ombudsman, Sandiganbayan at sa mga regional trial court.

Partikular na kinondena ng KKKK ang mga natulog na kaso sa Ombudsman at mga korte ni dating Movie and Television Review and Censorship Board (MTRCB) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Manuel Morato.

Binanggit ng grupo ang pagbebenta ni Morato sa Sundance Resort sa Boracay, Aklan, na pag-aari ng isang Hapon na nakilala lamang sa apelyidong Matsura, umano’y dating opisyal ng Asian Development Bank at kaibigan ni Morato.

Nabili ni Matsura ang Sundance Resort mula sa mag-asawang Australyano at isinailalim sa kontrol ng kompanyang TF Ventures.

Ngunit pinasalakay umano ni Morato ang bahay ni Matsura para makuha ang mga dokumento ng TF Ventures kasabwat ang abogado ng Hapones para mapalitaw na siya ang may-ari ng nasabing kompanya.

Naibenta umano ni Morato ang nasabing resort sa Diniwid Beach sa ama ng mga pulitikong sina Cheese at Lex Ledesma at pinangalanan ito ng mga Ledesma ang Sundance Resort na “Nami Resort Boracay.”

Kinasabwat din niya ang mga opisyal umano ang Bureau of Immigration (BI) para maipatapon mula sa Pilipinas si Matsura at ang mag-asawang Australyano na binilhan nito ng Sundance Resort.

Dahil dito, nagdemanda ang Hapon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply