De Lima nababagalan sa usad ng tax evasion cases sa DOJ

SA GITNA ng sunud-sunod na paghahain ng tax evasion cases ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DoJ), hindi pa rin kuntento si Justice secretary Leila de Lima sa itinatakbo ng mga naihaing kaso.

Aminado si De Lima na hindi siya nasisiyahan sa usad ng ilang kaso dahil ang iba ay lumampas na itinatadhana ng batas na dapat maresolba.

“Well I’m not satisfied because iyong iba diyan lumampas na sa 60-day period, pero hindi naman lahat ay lumampas na sa 60-day period.”

Pero hindi naman nito nilalahat ng opisyal na tinutulugan ang mga kaso na isinasampa ng BIR sa DoJ, dahil ang ilan umano ay may ibang proceedings.

“I don’t want to make a sweeping statement here that I’m disappointed with all of them,” wika ni De Lima.

Matatandaang kahapon ay sinampahan ng kasong tax evasion ng BIR sa DoJ sina Ang Galing Pinoy Rep. Mikey Arroyo at asawang si Ma. Angela, at ang Brazilian TV host/model na si Daiana Menezes. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply