Defense lawyer umurong sa Maguindanao massacre case

NAGBITIW ang isang defense lawyer, sa hindi malamang dahilan, sa paghawak ng kasong Maguindanao massacre.

Sa inilatag na Motion to Withdraw Appearance ni Atty. Marlon Pagaduan kay Quezon City Judge Jocelyn Solis-Reyes, hindi na umano siya interesadong irepresenta sa korte ang kanyang mga kliyente sa nasabing kasong multiple murder.

Matatandaan na si Pagaduan ang isa sa mga abogado ng 16 na na-dismiss na pulis na sangkot sa karumaldumal na pagpatay sa 58 katao sa Maguindanao noong Nobyembre 2009.

Ang mga akusado ay kinilalang sina SPO1s Oscar Donato at Eduardo Ong, PO3s Felix Orate Jr., Abibudin Abdulgani at Rasid Anton, PO2s Hammad Nana, Saudi Pasutan, Hernanie Decipulo, at Saudiar Ulah at PO1s Arnulfo Soriano at Esmael Guialal, Pia Kamidon, Herich Amaba, Narkouk Mascud, Abdullah Baguadatu, and Espirillieto Lejarso.

Dahil sa pagbibitiw sa kaso ni Pagaduan, nagtalaga si Reyes ng counsel mula sa Public Attorney’s Office para sa mga akusado.

Sa pagdinig sa Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) branch 221, mariing iginiit ng prosecutor at pamilya ng mga biktima na basahan na rin ng sakdal ang mga Ampatuan, lalo na si dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr.

Sa pagpapatuloy ng arraignment, nag-plead ng “not guilty” si SPO2 Madawi Baka, hepe ng pulisya ng bayan ng Ampatuan, ngunit hindi nagsalita ang isa pang akusado na si civilian volunteer Nasser Ismael. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply