Dennis Trillo, pangpromosyon lang ni Jennylyn ang bulgaran churva, hahaha!

MAY pasasabugin si Jennylyn Mercado tungkol sa ex-boyfriend na si Dennis Trillo.

Muli itong inulit ni Jenn nang ma-interview ni Nelson Canlas sa Boracay na sasabihin ng actress ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Dennis.

Nang hingan naman ng reaction si Dennis hinggil sa ibubulgar raw ni Jennylyn. Kaagad na sinagot raw ng actor, na hindi siya natatakot sa pasasabugin ni Jenn.

Tanong ng masa? Hindi kaya gusto lang gamitin ni Jenn si Dennis para mapag-usapan ang nalalapit nitong concert?

oOo

Gov. ER Ejercito go na go na!

Sa tsikahan namin kay Gov. ER, ibinalita niya na may nakakausap na siya mula sa ibang bansa para tulungan siyang isalba ang Laguna Lake. Kabilang sa rehabilitation ay ang pagre-relocate ni Gov ng mga tao na naninirahan sa Laguna Lake sa ibang lugar na mas ligtas.

Plano rin niyang maglagay ng mga bangkang gagamitin sa transportation mula sa Manila patungong Laguna.

Nagbunga na nga ang pagmamalasakit ni Gov ER sa Laguna dahil buong pagmamalaki niyang ibinalita na napili ng Phililippine Information Agency ang kanyang lalawigan bilang no. 1 Province and best place to visit, live in and invest in.

Maliban diyan, napili rin ng Department of Tourism ang Laguna bilang top 3 tourist destination.

Samantala, sinisimulan na rin ni Gov ER ang shooting niya para sa dalawang pelikulang nakatakda niyang gawin, ang remake ng “Asyong Salonga” at “El Presidente.” Gerry Ocampo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply