DENR: Huwag magkalat ngayong summer

NANAWAGAN Lunes, Abril 18, si Environment Secretary Ramon Paje sa publiko na huwag magkalat at maging conscious sa kanilang carbon footprint habang nagsasaya ngayong tag-araw.

Aniya, holiday season ngayon dahil Holy Week break, pero kung magpipiknik at magti-tripping ay iwasan ang magkalat sa paligid at dagat lalo na ng mga plastic.

Ayon pa sa kalihim, naiintindihan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mahalaga ang summer vacation sa mga estudiyante ngunit dapat na isaalang-alang ng mga ito ang kapaligiran.

Para sa Holy Week at buong summer vacation, may ilang pointers ang DENR upang mabawasan ang carbon footprint:

1. Kailangang siguruhin ng mga motorista na well-maintained ang kanilang sasakyan upang maging mas fuel-efficient at maiwasan ang air pollution.

2. Mas mabuting magbisikleta na lamang o maglakad kung malapit lamang ang pupuntahan.

3. Ugaliing ang solid waste management sa pamamagitan ng pagre-recycle upang mabawasan ang basura, lalo na ang mga plastic.

4. Hikayatin ang mga kapitbahay na tumulong sa paglilinis ng paligid tulad ng declogging ng storm drainage bilang paghahanda sa tag-ulan.

5. Iwasan ang maaksayang paggamit ng kuryente, papel, at tubiug.

Nagpaalala rin ang kalihim sa mga bakasyonistang iwasan ang paggambala sa kundisyon ng flora at fauna lalo na sa mga eco-tourism spots. Nenet L. Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply