DENR igigisa sa landslide sa Compostela Valley

IPATATAWAG ng isang senador ang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa naganap na landslide sa Pantukan, Compostela Valley kamakailan.

Sa kanyang Senate Resolution No. 444, hiniling ni Sen. Loren Legarda na imbestigahan kung mahigpit na naipatupad ng DENR ang mga patakaran hinggil sa kaligtasan sa lahat ng mining communities kasama, na ang gumuhong minahan sa Compostela Valley.

“Kailangan nang magsagawa ng kaukulang imbestigasyon hinggil sa regulatory policies ng pamahalaan hinggil sa mga landslide at iba pang natural hazard-prone mining areas,” giit ng senador.

Nitong Biyernes Santo, dahil sa pag-ulan ay nag-landslide sa isang small-scale mining community ng Pantukan.

Inararo ng landslide ang mga kabahayan sa paanan ng bundok at nailibing nang buhay ang 21 katao, kabilang ang walong namatay.

Nabatid ni Legarda na matagal nang idineklarang “danger zone” ang naturang lugar dulot ng posibleng landslide kaya’t nagtataka umano ang mambabatas kung bakit pinayagan ng DENR ang pagmimina sa naturang bundok.

“It has been reported that hundreds of poor, small-scale miners had been living on the area before the disaster and had ignored government warnings,” ayon sa senador.

Sinabi ni Legarda na dapat mahigpit na ipinatutupad ng DENR ang probisyon sa Philippine Mining Act of 1995 na nagdidikta na dapat may environmental quality at mahusay na carrying capacity ang naturang minahan.

Dagdag pa ni Legarda, dapat rebyuhin ang mga polisiya hinggil sa mining operations upang masiguro na hindi nailalagay sa panganib ang buhay ng mga minero, mga tao at ari-arian sa paligid nito.

“There is a need to review the implementation of government policies which seek to assure that mining operations do not pose threats to lives, homes and properties,” pahayag pa ng senadora.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply