DepEd naalarma sa bayolenteng cartoons

NAALARMA ang Department of Education (DepEd) sa mga  naglipanang bayolenteng cartoons na napapanood sa iba’t ibang television channels na maaaring magdudulot ng masamang epekto sa mga kabataan.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, maraming panoorin ngayon sa TV ang hindi nakapagbibigay ng magandang-asal at pag-uugali sa kabtaan na dapat na matutunan ng mga ito.

Anang kalihim, bukod sa pagiging bayolente ng ilang cartoons ay “bulgar” pa ang ginagamit na pananalita dito, na hindi magandang madinig ng isang bata.

Bunsod nito, sinabi ng kalihim na dalawang beses na siyang nakipagpulong sa ilang top management ng mga television network sa bansa at patuloy na umaapela na huwag mag-ere ng mga palabas na bayolente.

Hinihiling rin ng kalihim sa mga television network na ang ipalabas nila ay ang mga pelikulang kapupulutan ng magandang values para sa mga kabataan lalo ngayong bakasyon, kung kailan nakatutok sa television ang maraming kabataan.

“Umaapela tayo sa iba’t ibang pamunuan ng television stations na gumawa sila ng highly entertaining show na may good values,” ani Luistro.

Pinayuhan din ng kalihim ang mga magulang na bantayan at gabayang mabuti ang kanilang mga anak sa panonood ng television.

“Malaki ang impluwensiya sa mga bata ng mga palabas sa TV kaya kailangan na maging mapagbantay ang mga magulang” pahayag pa ng kalihim. Jhie Convocar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply