Depositor ng Banco Filipino nagpakamatay

PATAY ang isang depositor ng Banco Filipino makaraang magpatiwakal sa Las Piñas City, iniulat kaninang hapon, Abril 12.
Kinilala ang biktima na si Carmino Mangubat Guia Jr., 49, dating seaman, ng Block 20 Lot 1 Diamond St., Veraville Philam, Talon 2.

Ang bangkay ng biktima ay nadiskubre dakong 9:30 ng umaga sa bahay ng kanyang amo sa No. 14 Aguila St., Philam Village, Pamplona 2, naturang lungsod.

Nakuha sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang kalibre  .9mm pistol na naglalaman ng 11-bala sa loob ng magazine at isang basyo ng bala at isang suicide note.

Nabatid na ang biktima ay may deposito sa Bangko Filipino na P200,000 na dahil sa pag-aaway ng naturang bangko at Bangko Sentral ng Pilipinas ay hindi na niya nakuha ang nasabing salapi.

Nakasaad sa suicide note ng biktima ang “Nasira ang buhay ko dahil sa away ng BSP at BF. Pagod na ako, di makakain at di makatulog. Paalam at patawad po.” Girlie Raoet

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply