Deputy OMB Jalandoni nagbitiw na sa puwesto

NAGBITIW na sa puwesto si Deputy Ombudsman for Luzon Mark Jalandoni upang hindi na batikusin pa ng mga kritiko ang Office of the Ombudsman.

Ito ay kinumpirma ni Assistant Ombudsman Jose de Jesus Biyernes ng gabi, Abril 8.

Kusang bumaba sa tungkulin si Jalandoni matapos itong ireklamo ng isang Sarah Esguera at Antonio Baltazar.

Sa magkaibang kaso, inireklamo ng dalawa ang deputy Ombudsman sa Office of the President dahil sa umano’y betrayal of public trust, dishonesty at grave misconduct.

Ang reklamo ay ginawa sa gitna ng ongoing impeachment case kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Sinibak na rin ni Pangulong Benigno Aquino III si Deputy Ombudsman Emilio Gonzales III dahil sa gross neglect of duty at gross misconduct sa paghawak sa dismissal complaint laban sa hostage-taker na si dating P/Sr. Insp. Rolando Mendoza.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply