Derek Ramsay may kakuyangyang sa Tondo at Dumaguete

SA MGA naglalabasang balita lately sa mag-sweetheart na sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay, mapapaisip talaga ang marami lalo na ang mga neutral observer kung either pabling talaga itong si Derek o talagang may gustong sumira sa magandang relasyon ng dalawa.

Iniuugnay kasi ngayon si Derek sa miyembro ng SexBomb na si Aifa Medina. May tsikang nakita sina Derek at Aifa sa Tondo at palihim na nagtatagpo raw ang dalawa.

Prior to this, may tsikang lumabas na may ibang girlfriend umano si Derek na taga-Dumaguete City. Idagdag pa rito na ilang beses ding intrigang hiwalay na raw ang dalawang magsing-irog.

Itinanggi naman ni Derek ang balitang ito, “It said that I was seen in Tondo, but the past weeks, I was in Clark and Boracay. Unless somebody out there looked like me. Maybe there are lot of guys out there with a shaved head.”

“I don’t know where it’s coming from. Angel and I know that we’re still together. Every time something comes out, we’re always vocal to clear it up, and I can say we’re okay and we’re very, very happy,” mahabang esplika ni Derek.

Actually, posibleng ang sumunod na intriga sa magkasintahan ay ang pagli-link naman kay Derek sa sexy star na si Cristine Reyes. Gagawa kasi ng TV series ang dalawa sa ABS CBN, ang “Reputasyon.”

oOo

Isabel Granada dinedo sa cell phone

MALAKING
tulong ang modern technology sa lahat, lalo na ang cell phone. Pero kung gagamitin ito sa maling paraan, masyadong perhuwisyo ang hatid nito.

Tulad na lang ng kumalat na balita sa text na namatay na raw si Isabel Granada dahil sa ovarian cancer. Alam namin na twice na naoperahan ang aming Kumareng Issa sa ovary dahil sa cyst, pero grabe naman ang nagkalat ng balitang ito.

Nang nabalitaan namin ito ay agad na nagtext ang Kumander naming si Maricris kay Issa at heto ang sagot niya (As is ito, ha Kumpareng Nonie ha__ED.): “Honestly wala ako idea kung sinu, sobra morbid po ang msg po & i jst hope n pray tigilan ako ng taong ngkakalat ng death ko. God bless us, wag sya mgkalat nega news.”

Habang sinusulat namin ito ay naghihintay pa kami ng dagdag na sagot kay Issa dahil kinakamusta namin ang health niya lalo na ang ukol sa kanyang ovary at sa cyst na inalis dito ilang taon na ang nakalilipas. Nonie V. Nicasio

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply