DFA: Walang OFW na bihag sa Libya

MARIING itinanggi ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang mga naglalabasang balita na umano ay may mga bihag na overseas Filippino worker sa lungsod ng Misrata sa Libya.

Matatandaang napabalitang may 10 Pinoy nurse na bihag sa nasabing bansa kung saan may mga nagaganap na kaguluhan.

Una ng naibalita na kimumpirma ni Father Allan Acebuche mula sa Tripoli at ng Migrante International na may 10 nurses ang pinipigil ng mga armadong grupo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Del Rosario, iginiit nito na inilikas lamang sa ibang lugar ang mga nsabing Pinoy dahil patindi ng patindi ang labanan sa Misrata. Aniya, ito ang kanyang pagkakaalam.

Sinabi rin ng kalihim na alam nila kung saan inilipat ang mga naturang Pinoy.

Dinepensahan din ni Del Rosario kung bakit mayroon pa ring mga Pinoy na hindi naililikas sa Libya sa kabila ng patuloy na kaguluhan doon.

Aniya, makailang ulit na silang nagtakda ng huling evacuation doon ngunit maraming OFW ang nais na manatili roon partikular na ang mga medical worker.

Inihayag din ni kay Del Rosario na ayaw lisanin ng mga naturang OFW ang Libya dahil anang mga ito ay walang naghihintay na hanapbuhay para sa kanila sa Pilipinas. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply