‘Di na kailangan ng Truth Commission

HINDI na kailangan ang Truth Commission para  usigin at kasuhan ang mga opisyal ng nakaraang administrasyon.

Sa kasalukuyan, nakabinbin pa ang desisyon sa Korte Suprema kaugnay sa nasabing komisyon dahil sa kinukuwestiyong legalidad nito.

Iginiit ni Sen. Antonio Trillanes IV na ang dapat gawin ng pamahalaan ay pag-ibayuhin ang paghabol sa mga dating opisyal.

Aniya, may sapat na mga ahensya ang gobyerno para manguna sa pag-uusig sa mga ito.

Binigyang diin ni Trillanes na ang ginawang pagsampa ng kaso ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kay Ang Galing Pinoy Party List Representative  Mikey Arroyo at asawa nitong si Angela ay katunayan na may mga ahensya  tayo na nakahandang umusig sa kanila.

Sinabi pa nito, dapat din na huwag ituon sa mga malalapit na opisyal at kamag-anak ng dating administrasyon ang ginagawang paghabol at sa halip tingnan din ang mga negosyante at pribadong
indibidwal. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply