Diarrhea outbreak sa Palawan lumalala

LUMOLOBO ang bilang ng tinatamaan ng diarrhea outbreak sa bayan ng Bataraza, Palawan habang umakyat na rin sa 20 ang bilang ng mga nasawi.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), simula kahapon Abril 18, umabot na sa 562 ang tinamaan ng naturang sakit na sa halip na humupa ay patuloy pa na dumarami ang bilang.

Nabatid din sa NDRRMC, umabot na sa 17 barangay ang apektado ng Diarrhea sa bayan ng Bataraza na una ng isinailalim sa state of calamity.

Dahil dito, nagbigay ang lokal na pamahalaan ng P1.1 million para sa mga gamot at iba pang pangangailangan ng mga biktima ng outbreak. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply