Diarrhea outbreak sa Palawan napigilan

NAPIGILAN na ang diarrhea outbreak sa bayan ng Bataraza sa Palawan ng Department of Health (DoH).

Ayon kay Executive Dir. Benito Ramos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagtayo ng mga treatment camp o “temporary hospital” ang DoH malapit sa mga apektadong lugar upang mabigyan ng medical assistance ang mga tinamaan ng nasabing sakit.

“Na-contained na iyong problema ng diarrhea. Kasi natukoy na galing ito sa pinagkukunan nila ng tubig. Contained na itong problema na ito,” ayon sa opisyal.

Una ng naiulat na nakuha ng mga biktima ang diarrhea sa inuming tubig, kaya nabalaan ng mga kinauukulan na pakuluang mabuti ang tubig bago inumin.

Sinabi rin ni Ramos,umabot sa 324 ang kaso ng diarrhea na naitala sa nasabing bayan.

Kung matatandaan, nagsuspetsa ang DOH na baka cholera ang tumamang sakit sa mga pasyente.

“Nagsusupetsa kami na baka cholera ito, sapagkat noong ni-review namin, noong 2006 nangyari na po pala iyan,” pahayag ni Dr. Eric Tayag ng DoH-National Epidemiology Center. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply