DILG post tatanggapin ni Lacson kung iaalok ng Aquino admin

KUMPIYANSA si Sen. Panfilo lacson na hindi niya tatanggihan ang anumang responsibilidad na iaalok sa kanya ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ang reaksiyon ni Lacson nang tanungin ng media kung sakaling ialok sa kanya ng Pangulo ang pwesto bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

“I’m one person who will not shy away from responsibility,” sagot ni Lacson kung sakaling ialok sa kaniya ang nasabing posisyon

Gayunman, nilinaw ng senador na  hindi pa nila napag-usapan ni PNoy ang ukol sa Department of Interior and Local Government (DILG) position nang bisitahin niya ito  sa Malakanyang matapos lumantad sa publiko.

“Wala kaming napag-usapan. Hindi rin ako inalok. Hindi rin ako nagbigay ng rekomendasyon dahil wala naman akong karapatan na magrekomenda,” tugon ni Lacson sa ginanap na Kapihan sa Diamond Hotel.

Sinabi ni Lacson na mahusay naman sa pagtatrabaho si Interior Secretary Jesse Robredo kaya wala pang dahilan para palitan siya.

Nakakatakdang magtapos si lacson ng kanyang second term sa 2013 habang ang credentials ni Sec. Robredo ay hindi naman isinumite ng Pangulo sa Commission on Appointments kaya in-acting capacity lamang ang kalihim ng DILG. Linda Bohol

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply