Dinagit ng Blue Eagles and Blue Lions

KAKAIBANG lakas ang ipinamalas ng Ateneo Blue Eagles laban sa San Beda Red Lions sa pagsulong  ng FilOil Flying V Hanes Pre-Season Premiere Cup na ginanap sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nginata ng tropa ni coach Norman Black ang Red Lions, 90-87 na pahiwatig na ilalaro nila sa nalalapit na regular na NCAA Season.

Ang mga premyadong recruit ni coach Norman Black na si Greg Slaughter at Kiefer Ravena ay patunay sa ibinabandong galling at kakayahan nila sa kaunahan nilang pagsalang sa laro.

Pumuntos ng 26 kabilang ang 10 sa free throw area ang 7’0” na si Slaughter habang 24 ang ibinuslo ni Ravena. Si Ravena ay anak ng dating PBA rookie of the year ba si Bong Ravena ng San Miguel Beer.

Bukod sa 11 sa 14 attempts na nairehistro ni Ravena ay nakakuha pa ito ng apat na steals habang ang beteranong Blue Eagle player na si Nicko Salva  ay nagambag ng 21 puntos na senyales ng lakas ng Katipunan based ballclub.

Sa panig ng Red Lions, ang bagong recruit ni Frankie Lim na ang Nigerian na si Ola Adeagun ay nagtumpok ng 30 points habang si Garvo Lanete ay gumawa ng 15 na dinagdagan ni Melo Lim ng 10 sa unang sabak ng Mendiola Collegiate Team sa pre-season competition. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply