Dinukot na Amerikano pinalaya ng abductors

PINALAYA Miyerkules ng hapon, Abril 13, ang isang American decent matapos ang apat na buwang pagkabihag sa hangganan ng Piagapo at Marawi City.

Kinilala ang pinalayang bihag na si  Milton Taylor a.k.a. Sam Taylor. Nabatid na inabandona ang kidnap victim bandang alas 2:00 ng hapon sa  vicinity ng Piagapo at Marawi City.

Walang ransom na ibinayad ang mga negosyador. Ang biktima ay dinukot noong Enero 12 sa  Cagayan de Oro City.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng LSPPO ang biktima para isailalim sa debriefing at medical check up. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply