Dinurog ng Ironmen ang Scorpions

NAGHABOL ang Cobra Energy Drink  mula sa 47-54 sa pagsisimula ng last quarter tungo sa tuluyang pagpisa sa Cape France, 74-67 sa PBA D-League Foundation Cup sa Arellano Gym.

Sa pagkapanalo ng Ironmen, nakaagapay ang koponan ni coach Lawrence  Chongson sa Cebuana Lhuillier Gems ni coach Luigi Trillo sa 3-1 slate sa Group B, samnatalang, nabulig ang Scorpions sa ika-apat na talo at nangabokya pa sa panalo.

Ang Tamaraws shooter na si Paul Sanga ay bumuslo ng 17 points na karamihan ay sa huling quarter habang naghahabol sa 7 pooints na kalamangan ng Scorpion.

Iwinasiwas naman ng NLEX Road Warriors ang Blackwater Elite, 81-62 para kumawala sa pagkakapantay sa team Standings sa Group A at itinarak ang ikaapat na panalo sa limang laro.

ANg dating shooting guard ng Ateneo Blue Eagles na si Erik Salamat  na tinanghal na best
player of the game  ay bumanat ng 19 points.

Nakadikit na ang team ni coach BOyet Fernandez sa pagsulong sa semi-finals sa susunod na laban nila kontra Freego Jeans.

Sa Arellano Gym uli ang laro sa Martes, Mayo 3 sa pagitan ng RnW Pacific Pipes at Pharex, alas-dos ng tanghali na susunda ng uapkan ng Junior Powerade at Max! Bond Superglue Sumos alas-kwatro ng hapon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply