Diploma, TOR at iba pa ilibre sa doc stamps

HINILING ng isang lider sa Kamara na ilibre na sa documentary stamps ang mga diploma, certificates, transcript of records at clearances na iniisyu sa mga estudyante sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Rep. Hermilando Mandanas (2nd District, Batangas), malaking halaga na rin ang P15 documentary stamp tax na hinihingi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) lalo na sa mga pamilyang sapat lang ang kinikita.

Dagdag pa ng chairman ng House Committee on Ways and Means, mababawasan kahit paano ang financial burden  ng mga estudyante kung ililibre sila sa pagbabayad ng documentary stamp sa mga dokumento nila sa eskwelahan.

Kung maipapasa umano ang House Bill 4272, dapat ay hindi ito makasagabal sa paghahanap ng mga estudyante ng trabaho o sa pagtanggap sa kanila sa mas mataas na paaralan.

Layon ng panukala na amyendahan ang Section 199 ng National Internal Revenue Code (NIRC) na may kinalaman sa mga dokumento at papeles upang hindi na lagyan pa ng stamp tax.

Sa nasabing bill, ang certificates, diploma, transcript of records at clearances na iisyu sa mga estudyante ng mga pampublikong paaralan o anumang opisina ng DepEd ay hindi na kailangan ang documentary stamp tax.

Ani Mandanas, ang documentary stamp tax ay isang uri ng excise tax sa mga dokumento, instrumento, loan agreements at papeles, at sa pagtanggap, assignments, pagbebenta, at paglilipat ng obligasyon, karapatan o pag-aari.

Aniya, hindi sinabi ng NIRC na ang certificates, diplomas, transcript of records at clearances mula sa pampublikong paaralan ay kasama sa dapat na kumuha ng documentary tax stamp coverage. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply