Disaster preparedness training gagawin sa buong bansa

ISINUSULONG ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr. ang malawakang  demonstration-training sa disaster preparedness upang masigurong handa ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na makareresponde ng tama sa mga natural na kalamidad at sitwasyong hindi inaasahan.

Ani Ochoa, mahalagang makiisa ang lahat sa paghahanda sa mga disasters sa tulong ng mga seminar na isinasagawa ng  Office of the President.

Ang nasabing training ay isang paghahanda ng Pilipinas matapos yanigin ang Japan ng magnitude 8.9 na lindol.

Aniya, ang Pinas ay isa ring earthquake-prone na bansa kaya dapat tayong maghanda.

Sinabi pa ni Ochoa, kung tutuusin ay mas lamang ang Japan sa Pilipinas sa teknolohiya ngunit inabot pa rin ito ng disaster kaya hindi tayo dapat magpapetiks-petiks.

Ang Natural Disaster Preparedness and Response System ang nagsagawa ng training sa loob mismo ng Palasyo sa Mabini Hall.

Nanawagan din si Ochoa na mahigpit na ipatupad ang building safety standards and regulations sa lahat ng opisina ng gobyerno upang maipreserba ang buhay at maiwasan ang anumang hindi magandang pangyayari.

Aniya, mas mabuti nang nag-iingat kesa magsisi sa huli. Nenet L. Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply