DO Gonzales kaladkarin paalis sa pwesto – Kiko

PUWERSA na ang gamitin kung kinakailangan upang mapaalis sa puwesto si Deputy Ombudsman Emilio Gonzales III, giit ng ilang senador.

Ito ay dahil sa patuloy na pagmamatigas ni Gonzales na manatili sa posisyon sa kabila ng pagsibak sa kanya ng Office of the President (OP) sa akusasyong pagpapabaya ito sa tungkulin na naging dahilan ng madugong Manila hostage-taking incident.

Binigyang-diin ni Sen. Francis Pangilinan na kailangang ipatupad ang kautusan ni Pangulong Beningo “Noynoy” Aquino III dahil wala namang ligal na balakid mula sa korte.

“The presumption of regularity must prevail on the issue of Deputy Ombudsman Emilio Gonzalez III. In this instance, unless constrained by the courts, the decision must be respected and the dismissal enforced,” ani  Pangilinan.

“Kung kailangan mang bitbitin ‘yan palabas ay dapat aksyunan na kaagad ng kinauukulang ahensiya ng pulis,” giit pa nito.

Suportado naman ito ni Senate President Juan Ponce Enrile sa pagsasabing wala siyang nakikitang liegal na balakid sa nasabing kautusan ng Pangulo.

Binigyang-diin ni Enrile na kung may kapangyarihan ang Pangulo na magtalaga ay may kapangyarihan din itong magsibak. Vicky Cervales

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply