Do-or-die game para sa Nationals, Air21

MAGKAKAALAM na bukas ng gabi kung alin sa Air21 Express at Smart Gilas Pilipinas ang maagang magbabakasyon sa pagsalang ng dalawa kontra sa no.1 semifinalist na Talk N Text at Ginebra San Miguel, ayon sa pagkakasunod-sunod sa PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Mabigat na 2-0 slate ng tropang texters ang kailangan bunuin ng Express ni Coach Bong Ramos na hahabulin sa tatlong straight na panalo para makapasok sa finals slot sa alinman sa Gin Kings na muling kakana sa naghahandang Nationals na ibinaon nila sa 0-2 sa sariling best of 5 semifinals.

Kung ibabatay sa mga tipsters, ito ang huling pagsalang ng tropang texters kontra Barangay Ginebra matapos ang huling salpukan sa kampyunato noong 2004-’05 Philippine Cup na nasungkit ng Gin Kings na noon ay tangan ni Coach Siot Tangquinsen.

Angat naman ang Texters ni Coach Chot Reyes sa sariling laban dahil sa dalawang magaang na panalo, 97-90 noong Abril 15 at 114-96 noong Abril 27 kontra sa Air21 Express ni Coach Bong Ramos. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply