Do-or-die ng Lady Tams at Lady Stags

NASUNGKIT ng Lyceum Lady Pirates ang huling quarterfinals ng Shakey’s V-League First Conference kasunod ng pagkatay sa Far Eastern University Lady Tamaraws, 25-17, 25-20, 25-22, sa PhilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Napanatili naman ng Ateneo Lady Eagles ang malinis na 4-0 record nang pagtutukain ang kakaibang nilalaro ng San Sebastian College Lady Stags sa 4 sets na 25-13, 25-11, 24-26, 25-22.

Kumana si Thai import Lithawat Kesinee ng 23 kills at nagtala ng conference-high 9 blocks habang ang kapwa guest player na si Alyssa Valdez ay nakapagrehistrop ng 27 puntos kabilang dito ang 6 service aces.

Nagtulong naman sina Joy Cases at Dahlia Cruz sa 25 atake para sa 29 hits, habang nakabantay sa net si Marie Casanova na nakagawa ng 7 blocks.

Isinara ng Lady Pirates ang elimination round nila sa 2-2 card. Sa pagkakalugmok ng Lady Tamaraws at ng Lady stags, paglalabanan nila sa isang do-or-die ang huling slot. Kapwa nila tangan ang 0-3 record. Sa Linggo malalaman kung alin sa dalawang minamalas na volleyball team ang makahahabol sa Shakey’s V-League. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply