DoH sa Palawan nagpasaklolo sa LWUA

HUMINGI na ng tulong ang Department of Health (DOH)  sa pamunuan ng Local Water Utilities Administration (LWUA) upang maiwasan ang posibleng pagkalat pa ng sakit na diarrhea sa bayan ng Bataraza sa Palawan.

Ito’y matapos makumpirma ng DOH na 20 miyembro na ng isang tribo sa naturang bayan ang namatay dahil sa naturang sakit na nakukuha sa maruming tubig.

Ayon kay DOH-National Epidemiology Center (NEC) head Dr. Eric Tayag, bagamat stabilized na ang sitwasyon sa bayan ng Bataraza sa Palawan, humingi pa rin sila ng tulong sa LWUA upang matiyak na mabibigyan ng malinis na tubig ang mga residente roon.

Nais aniya nilang makatiyak na hindi na kakalat pa ang diarrhea outbreak sa iba pang bayan sa nasabing lalawigan.

Sinabi ng health official na batay sa imbestigasyon nila, lumilitaw na ang outbreak ay nag-ugat sa cholera dahil umiinom umano ng maruming tubig ang mga residente.

Nang mabigyan naman umano ng malinis na tubig ang mga residente, wala nang bagong kaso ng sakit ang naitatala pa sa Bataraza.

Pinayuhan din ni Tayag ang mga residente, na habang hindi pa naaayos ang linya ng tubig, ay magpakulo muna para sa kanilang iinumin nang matiyak na ligtas ito. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply