DOH: Sakit makukuha sa beso-beso, shake hands

MULING nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na maging maingat upang hindi mahawa ng mga sakit ngayong tag-araw, na madali aniyang makuha kahit sa pamamagitan lamang ng pakikipagbeso-beso at pakikipagkamay.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, hepe ng National Epidemiology Center ng DOH,  kahit sa pamamagitan lamang ng harmless na “beso-beso” at shake hands ay maaaring mailipat ang iba’t ibang uri ng sakit na madaling makahawa katulad na lamang ng chickenpox o bulutong at tigdas.

Sinabi rin ni Tayag na isang linggo bago pa man lumabas ang sintomas ng bulutong ay maaari nang makahawa na ito sa mga taong hindi pa nagkakabulutong sa pamamagitan ng direct contact.

Sa mga unang araw aniya ay hindi agad ito mapapansin dahil maaari pang lumabas ang bulutong makalipas ang ilang araw.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply