DOJ mahihirapan sa kasong plunder vs RGMA

AMINADO si Justice Secretary Leila de Lima na hindi nila tukoy kung paano isasagawa ang prosekusyon sa mga kasong kriminal na kinakaharap ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa Department of Justice (DOJ).

Ang pahayag ng kalihim ay bunsod na rin na ang kasong isinampa ni dating solicitor general Frank Chavez na plunder, graft at iba pa ay nasasaklaw ng kapangyarihan ng tanggapan ng Ombudsman.

Inamin din ng kalihim na may kumplikasyon sa pagsasampa ng kaso laban sa dating Pangulo na ngayon ay kinatawan ng ikalawang distrito ng lalawigan ng Pampanga lalo pa at may iba pang ahensiya na humahawak sa kahalintulad na kaso laban sa dating Punong Ehekutibo

Salig sa 1987 Constitution, tanging ang Ombudsman lamang ang may kapangyarihan na magsampa ng kasong kriminal sa Sandiganbayan laban sa sinumang opisyal ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagtupad sa tungkulin

Sa kabila naman nito ay determinado si De Lima na lumikha ng panel of prosecutors sa gitna ng mga problemang kanilang kakaharapin.

Tiniyak ni De Lima na gaya ng iba pang kasong kriminal, ang mga asunto laban sa dating Pangulo ay dadaan sa normal na proseso  katulad nang ginawa niya sa kasong plunder na isinampa ni dating AFP comptroller  George Rabusa laban sa mga nagretirong heneral ng AFP na sangkot sa pabaon system. Teresa Tavares

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply