Dole naglabas ng ‘pay rules’ sa Mahal na Araw

NAGPALABAS ng pay rules ang Department of Labor and Employment (Dole) na dapat na sundin ng mga employer para sa Mahal na Araw, kung saan ang Huwebes Santo (April 21) at Biyernes Santo (April 22) ay deklaradong regular holidays sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, ang nasabing mga holiday ay kasama sa regular holidays na nakasaad sa Proclamation 84 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III noong Disyembre 2010.

Bunsod nito, pinaalalahanan ng Dole ang mga employer na tiyaking makasusunod sa ipinatutupad na labor standards ng pamahalaan.

Batay sa inilabas na pay rules ng nasabing ahensya para sa April 21 at 22 holidays: kung ang isang empleyado ay magtatrabaho sa mga nasabing araw, tatanggap ang mga ito ng 200 porsyento ng kanilang basic wage sa unang walong oras.

Para naman sa lalagpas sa walong oras, dapat na makatanggap ang mga ito ng 30 porsyento ng kaniyang hourly rate.

Sakali namang hindi pumasok sa trabaho ang isang manggagawa sa nabanggit na petsa, makakatanggap pa rin ito ng kaniyang 100 porsyentong sweldo.

Para sa ilang paglilinaw o katanungan, maaari umanong tumawag sa Dole hotline: 2917 para sa Globe o TM subscriebers; o di kaya naman ay sa 908-2917; o mag-text sa numerong 2910; o di kaya’y tumawag o bumisita sa Dole Regional Offices o sa Bureau of Working Conditions sa numerong 527-3000, local 302. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply