Dole sa employers: Sundin ang labor standards

NANAWAGAN ang Department of Labor and Employment (Dole) sa mga employer na sundin ang labor standards sa regular holidays ngayong Semana Santa.

Nilinaw ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Dampilis-Baldoz na regular holidays ang Huwebes at Biyernes Santo sa Abril 21 at 22, 2011 na ipagdiriwang sa buong bansa.

Ang dalawang araw na regular holidays ay sa bisa ng Proclamation No. 84 na ipinalabas ni Pangulong Benigno Aquino III noong ika-20 ng Disyembre 2010.

Ayon kay Baldoz, nangangahulugan ito na kung ang isang manggagawa ay kinakailangang papasukin sa mga nabanggit na araw ay nakatakda ang mga ito na tumanggap ng dobleng sahod.

Anang kalihim, dapat itong sundin ng mga employer dahil ang Holy Week holidays ay kabilang sa mga itinalagang araw ng bakasyon ng manggagawang Pilipino.

Samantala, para sa paggunita ng ika-108 anibersaryo ng Labor Day sa Mayo 1, namimigay ang Dole ng libreng Phil-JobNet cards sa mga naghahanap ng tarbaho at sa overseas Filipino workers (OFWs) na magpaparehistro dito para sa Job and Livelihood Fair na isasagawa sa Luneta.

“The Phil-JobNet card will serve as a digital resume containing a jobseeker’s profile. Jobseekers will simply present the card for any job they are interested in to any local firms or overseas recruitment agencies which will participate at the Labor Day Job and Livelihood Fair in Luneta.  The participating firms and recruitment agencies will in turn copy the digital resume in their laptops,” pahayag ni Baldoz.

Idinagdag pa niya, ang proseso ay makatutulong sa mga kalahok na mga kompanya at recruitment agencies para mapadali ang selection ng qualified applicants na makakatugon sa kanilang requirements.

“With the card, jobseekers can apply for as many jobs as they can at the fair, which would increase their chances of landing a job they want. The  Dole-NCR office has been instructed to make sure that participating firms and agencies bring laptops or computers and that electrical connections for the laptops and computers are fully in place at the fair,”  wika ni Baldoz.

Binigyang diin pa ni Baldoz  na ang  Phil-JobNet cards ay available lamang sa  jobseekers  na mag-aaply sa mga bakenteng trabaho sa Labor Day Job and Livelihood Fair sa Luneta.

Ang mga Phil-JobNet cards  ay libre sa Public Employment Service Offices (PESOs) sa Maynila,  Quezon City, Makati, San Juan, Taguig, Caloocan, Mandaluyong, at  Muntinlupa.

“Workers who intend to look for jobs at the Job and Livelihood Fair in Luneta on May 1, whether they are residents in Metro Manila or any province, may drop by at the designated PESOs and fill up bio-data forms for their profile that PESO staff would encode into the Phil-JobNet, after which the workers will be issued their Phil-JobNet cards for free,” dagdag ni Baldoz.

Maaari ring magparehistro sa online sa  www.phil-job.net .Linda Bohol

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply