Dominguez brothers, 2 pa binasahan na ng sakdal

BINASAHAN na ng sakdal kahapon sa korte ang magkapatid na carjack gang leaders na sina Raymond at Roger Dominguez, gayundin ang mga kasama nilang akusado na sina Alfred Mendiola at Jason Miranda, sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong carnapping at murder kaugnay ng pagpaslang sa car dealer na si Venson Evangelista.

Napag-alamn na “not guilty” ang naging tugon ng magkapatid na Dominguez habang tumanggi namang magbigay ng kanilang plea sina Mendiola at Miranda kung kaya mismong si Quezon City Regional Trial Court  Branch 215 Judge Ma. Luisa Quijano Padilla na lang ang nag-utos na “not guilty plea” rin ang ipasok sa kanila.

Pinagbigyan naman ng  hukom ang kahilingan ng prosekusyon na matanggal na sa listahan ng akusado si Ferdinand Parulan dahil nabatid na nakakulong ito sa isang presinto sa Bulacan nang maganap ang pagdukot at pagpaslang kay Evangelista.

Nabatid na may  records na naghain ng piyansa si Parulan para sa isa pang kaso ng carnapping at nakalabas lang ito ng kulungan noong Enero 14 kung kaya nang maganap ang pagdukot at pagpatay kay Evangelista ay nasa piitan ito.

Samantala dalawang pangalan naman ang naidagdag sa listahan ng akusado na kinabibilangan nina Rolando “Rolly” Talban at Eduardo Lopez na pawang nakalalaya pa hanggang sa ngayon kaya’t iniutos ng korte ang pag-isyu ng warrant of arrest laban sa mga ito. Jan Sinocruz

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply