Dominguez brothers binasahan na ng sakdal

BINASAHAN na ng sakdal ang magkapatid na carjack gang leaders na sina Raymond at Roger Dominguez, gayundin ang mga kasama nilang akusadong sina Alfred Mendiola at Jason Miranda, sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong carnapping at murder kaugnay ng pagpaslang sa car dealer na si Venson Evangelista.

“Not guilty” plea ang ipinasok ng magkapatid na Dominguez habang tumanggi namang magbigay ng kanilang plea sina Mendiola at Miranda kaya mismong si Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 215 Judge Ma. Luisa Quijano Padilla na lamang ang nag-utos na “not guilty” plea din ang ipasok sa kanila.

Samantala, pinagbigyan naman ng hukom ang kahilingan ng prosekusyon na matanggal na sa listahan ng akusado si Ferdinand Parulan dahil nabatid na nakakulong ito sa isang presinto sa Bulacan nang maganap ang pagdukot at pagpaslang kay Evangelista.

May records umano na nagposte ng piyansa si Parulan para sa isa pang kaso ng carnapping at nakalabas lamang ito ng kulungan noong Enero 14 kung kaya nang maganap ang pagdukot at pagpatay kay Evangelista ay nasa piitan ito.

Dalawang pangalan naman ang naidagdag sa listahan ng akusado na kinabibilangan nina Rolando “Rolly” Talban at isang alyas “Joel” na pawang nakalalaya pa magpahanggang ngayon.

Kasabay ng pagsama sa pangalan ng dalawang karagdagang akusado, ipinag-utos din ni Judge Padilla ang pag-isyu ng warrant of arrest para kina Talban.

Maliban dito, itinakda rin ng hukom ang paglilitis ng kaso tuwing Lunes at Martes kung kaya pagkatapos ng Semana Santa ang susunod na pagdinig sa kaso ng mga Dominguez ay sa Abril 25 ng kasalukuyang taon. Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply