Dos at Siyete iiwan nang todo-todo ng Singko

HABANG patuloy sa paghataw at pagbongga ang mga show ng TV-5, tuloy naman ang giyera-patani ng magkalabang TV Networks na ABS-CBN, at GMA-7 sa mga walang katuturang isyu at intriga.

Tulad ng awayang John Lapus (Showbiz Central) ng Syete at Jobert Sucaldito (Mismo) ng Dos na ngayon ay nauwi na sa demandahan sa korte. Ang isyu na nagsimula sa umano’y “panliligaw-lasing” ni Sweet (Lapus) sa isang guy na tinawag nilang “Kiko” sa isang bar sa Quezon City na without John Lapus’ knowledge and permission ay inire-record pala nito (Kiko) sa kanyang cellphone. Ang kopya ng nasabing recording ay sumakamay ni Sucaldito na ginawa naman nitong basehan para ‘okray-okrayin’ at ‘lait-laitin’ daw ni Sucaldito itong si Lapus at mga kaibigan nito sa kanyang radio program, internet at mga kolum nito sa dyaryo.

Sabi ni Lapus na tinatwag ding “starlet” ni Sucaldito: “’Yun nga ang masaklap? Pati na sina Mamu Andrew de Real at Philip Lazaro na walang naman kinalaman sa isyu ay tinaray-tarayan at inokray-okray niya sa kanyang radio program, columns at facebook account na buburahin din lang pala niya?

Kung sinsabi raw ni Jobert na ginagawa lang niya ang kanyang trabaho bilang journalist na may karapatang mamuna ng kapwa, iba raw ang pamumuna sa ‘panlalait’, pagdidiin ni Lapus. Ang pamumuna raw ay ginagawa para itama ang pagkakamali, kung meron man. “Pero kami, hindi niya pinupuna para itama, kundi ‘inokray-okray’ niya kami, ‘nilait-lait’, ‘ininsulto-insulto’ at ‘pinaglaruan’ sa kanyang programang ‘Mismo’, Facebook account at sinusulatang tabloid!”, tili pa ni Lapus.

Ginawa raw venue o instrument ni Jobert ang kanyang radio program, facebook at column sa tabloid para ‘manlait’, ‘mang-insulto’ at ‘manirang-puri’ ng kanyang kapwa. Kaya wala na raw siyang choice kundi samapahan ng kaso si Jobert, ang programa niyang ‘Mismo’ at ang ABS-CBN.

Sabi pa ni Lapus na may himig ding pang-ookray: “SEE YOU NA LANG IN COURT!”

—–

May word war din sina WBC Bantam Weight Champion na si Nonito Donaire, Jr. at misis nitong si Rachel Marcial laban sa sports writer/TV anchor ng Siyete na si Chino Trinidad. Si Donaire ang ginu-groom ngayon ng Dos, bilang kapalit ni Pamabansang Kamao Manny Pacquiao na mula Dos ay lumipat sa Siyete. Dati si Donaire lang daw ang tinitira-tira ni Trinidad. Pero nang ipagtanggol na ito ng misis niyang si Rachel, ito naman ang pinabalingan ng sports writer.

Idinamay pa ang pamilya ni Rachel sa pagsasabing “walang kwenta” ang pamilyang ito.

Bagama’t hindi naman magsasampa ng rekllamo o demanda si Donaire at Marcial family, kahit paano raw ang cheap word war ay makaka-apekto pa rin sa Siyete o Kapuso Network.

Sabi nga ng isang observer: “Ano ba naman ‘yang ABS-CBN at GMA-7 na ‘yan? Wala na ba silang gagawin kundi magbangayan nang magbayangan habang ang Kapatid Network o TV-5 ay patuloy sa paghataw sa TV ratings game? Hahayaan ba nilang maiwan sila nang todo-todo ng SINGKO?”     Oo nga naman. Rino Fernan Silverio

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply