Double Do-or-Die games sa PBA

PAREHONG magsasalpukan sa isang do-or-die ang dalawang pares sa PBA Commissioners’ Cup sa Araneta Coliseum, Miyerkules ng hapon, Abril 13, sa pagsasara ng 3-games quarterfinals.

Nakaganti ang Air21 Express sa Alaska Aces, 94-84 habang tinambakan ng Rain Or Shine, 113-97, ang Ginbra Gin Kings na nagbigay ng 1-1 slate sa dalawang koponan.

Hindi bumitiw ang tropa ni coach Yeng Guiao partikular ang import na si Alpha Bangura na kumana ng mataas na 40 puntos samantalang umalalay naman ang recruit ng Express mula sa Asean Basketball League na si Leo Avenido na nagpatunay na karapat-dapat siya sa international competition sa pagbuslo ng 15 points.

Hiniya naman ng Elasto Painters ang crowd-favorite na Barangay Ginebra nang ipaghiganti ang 91-100 sa unang pagkatalo noong Abril 8.

Dalawang player ni Yeng Guiao ang nahirang na best player of the game, sina Bonjay Buenafe at Larry Rodriguez na kumana ng 20 at 17 points, ayon sa pagkakasunod.

Si Nate Broomfield na nakapag-total pa ng 28 sa panig ng Gins sa kabila ng maraming inaksayang free-throw attempts sa 1st half na naging dahilan ng kanilang paghahabol sa kabuuan ng laro na makailang beses na iniwan ng Elasto Painters ng 20 puntos at mahigit pa sa 1st half. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply