Bio-tech gagamitin vs climate change

NAGSIMULA nang sanayin sa bio-engineering technology ang mga planning and design engineers ng mga regional at district engineering offices ng Department of Public Works and Highway (DPWH) bilang suporta paggamit ng green engineering upang mabawasan ang epekto ng climate change.

Tuturuan ang mga project engineers ng DPWH sa paggamit ng coco-fibers at coconet erosion control materials bilang bahagi ng bio-engineering at magamit ang bagong teknolohiya sa mga kasalukuyang proyekto at sa hinaharap. Ang mga produkto galing sa niyog ay magagamit na coconut fiber materials o coconets sa soil conditioning at pag kontrol sa mga pagguho ng lupa.

Sa ilalim ng department order No.29 na inisyu noon pang 2008 na nag aatas sa paggamit ng bio-engineering hanggang Enero 2013, sinabi ni DPWH Sec. Rogelio Singson na hindi lamang magbibigay ng benepisyo sa kapaligiran ang nasabing teknolohiya kundi mag-aangat din sa kabuhayan ng mga tao partikular ang mga nagtatanim ng niyog. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply