DPWH nagsisilbing tulak sa mga korap

DAPAT na sumabay ang Department of Public Works and Highways sa Metro Manila Development Authority sa pagsasaayos ng mga lansangan sa Metro Manila.

Saksespul yata ang MMDA sa pagkontrol sa disgrasya sa lansangan, lalo na sa may Commonwealth Avenue, Quezon City na binansagang kiler haywey. Kiler haywey dahil sa araw-gabing may nasasagasaan at namamatay na pasahero at motorista mismo sa semplang o salpukan.

Oberispiding, Suki, ang naging karaniwang sanhi ng mga pesteng aksidente. Nang pinairal ang 60 kilometers per hour na maksimum ispid, hayun at bibihira na lang ang mga disgrasya.

Di bale nang hindi kumita ang mga namemerang punerarya, ospital, doktor, embalsamador at vendor ng mga awtopsy report.

Ngayon, eh, gusto na yatang pairalin din ang 60KPH na patakaran sa Roxas Boulevard at Osmeña Highway.

Aba, ang mga naka-Porsche lamang ang aangal diyan.

oOo

Ang DPWH ay dapat talagang sumabay sa gawang MMDA pero hindi sa pagkontrol sa ispid ng sasakyan kundi sa oberispiding ng mga korap na trapik enporser at parak.

Tinutukoy natin, Suki, ang oberispiding ng mga trapik layt na sinasamantala ng mga korap sa lansangan.

Tila may depekto na ang lahat ng mga trapik layt dahil napakabibilis ang mga ito na magpalit ng ilaw para sa istap, lep tarn, rayt tarn at iba pa. Wala nang ginagawa ang mga korap sa kalsada kundi ang magpara, maniket at mangotong sa mga sasakyang natatalo sa oberispiding ng mga depektibong trapik layt.

Sinasadya ba ang depekto ng mga yan para lang magkapera ang gobyerno sa multa, pati na ang mga kotongista? Rey Briones

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply