DPWH todo ayos-kalsada sa Kabikulan para sa Semana Santa

PUSPUSAN ang pagpapaayos ng Deparment of Public Works and Highways (DPWH) sa mga pangunahing kalsada sa Kabikulan para sa nalalapit na Semana Santa.

Kabilang sa mga kinukumpuni ay ang nasira ng mga nagdaang bagyo ay ang Maharlika Highway at iba pang kalsada sa Albay, Camarines Sur at Sorsogon na aabot sa halagang P122 milyon ayon kay Engr. Danny Dequito, regional director ng DPWH.

Inaasahan na ang pagdagsa ng mga motorista sa pagpasok ng Mahal na Araw sa bahaging ito ng Southern Luzon kung kaya’t sinamantala ng bawat distrito ng DPWH ang mainam na panahon sa pagpapanumbalik ng maayos na kondisyon ng mga kalsada.

Iniulat ni Dequito sa Regional Development Board ang 97.5 completion ng lahat ng mga routinary maintenance work ng ahensya sa rehiyon.

Dagdag pa niya, makararanas na ngayong Abril ng maayos na paglalakbay ang mga motorista.

Bilang tradisyon ng ahensya sa tuwing sasapit ang ganitong panahon ay magpapakalat sila ng mga tauhan upang gabayan ang mga naglalakbay sa kalsada. Ben Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply