Driver nakatulog, bus sumalpok, 2 tigok

PATAY ang driver at kanyang konduktor habang pitong pasahero naman ang lubhang nasugatan nang sumlpok ang kanilang sinasakyang bus sa concerete barrier sa West Service Road, Parañaque City.

Batay sa pagsisiyasat ng PNP Highway Patrol Group, NCR Investigation Section, SLEX Bicutan Detachment ng Parañaque City nakilala ang mga namatay na sina Jovito Michael Ruado, bus driver at ang konduktor nito na si Richard Negrana, ng Sual Poblacion, Pasig City.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatan na sina Richard Pausoc, 18, Romulo Pausoc, 15, Romelyn Pausoc, 23, Ronel Pausoc, 21 at Mercedes Pausoc 50, pawang nakatira sa Little Baguio 1, Lucena City at sina Robert Obciana, 33, ng Brgy. Dalahican, Lucena City at Darwin Tobo, 35, ng San Francisco Caleson, San Pablo City na dinala naman sa Taguig-Pateros District Hospital, Taguig City.

Ayon sa pahayag ng mga nakaligtas na pasahero, mula sa Lucena City ay walang aberyang binaybay ng kanilang sinasakyang bus ang daan patungong Cubao, Quezon City at makalipas ng ilang sandali ay basta na lang sila sumalpok sa concrete barrier nang makitang nakatulog na ang driver. Peter Corpus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply