Driver utas sa nakasagutan sa kalsada

TODAS ang isang pedicab driver matapos putukan ng driver ng sasakyan na nakasagutan ng una matapos muntik magbanggaan dahil sa pag-counter flow ng huli sa Navotas, Martes ng gabi, Abril 26.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si Reynaldo Soriano, 45, ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ang driver ng Toyota Vios (ZRB-103) na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Base sa ulat, dakong 7 ng gabi, binabagtas ng biktima ang M. Rojas St., nang mag-counter ang kasalubong na suspek.

Muntik nang mabangga ang biktima dahilan upang sitahin ni Soriano ang salarin.

Sa halip na humingi ng paumanhin ay bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima bago tumakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply