Dugo na dumaan sa DOH safe – Ona

WALA umanong dapat na ipangamba ang publiko kaugnay sa ulat na may mga donasyong dugo na nagtataglay ng human immunodeficiency virus–Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV-AIDS).

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, dumaraan sa masusing pagsisiyasat ng DOH ang lahat ng dugo na idinu-donate sa kanila, at patunay dito ang pagkakadiskubre sa mga dugo na may HIV-AIDS.

Kumpiyansa rin ang Kalihim na maayos ang kanilang ginagawang surveillance sa mga donasyong dugo.

Ginawa ni Ona ang pahayag kasunod ng ulat na isang pasyente ang nagsabi na nahawahan umano ng AIDS dahil sa blood transfusion.

Sinabi ni Ona na pinaiimbestigahan na niya kung sino ang nag-donate ng dugo na ginamit sa pasyente o kung dumaan ito sa kanila.

Ipinatutukoy na rin ni Ona kung sa pamamagitan talaga ng blood transfusion kaya nahawahan ng nakamamatay na sakit ang naturang pasyente.

Kumpiyansa si Ona na kung talagang dumaan sa ipinatutupad nilang proseso sa pagtanggap ng mga donasyong dugo ay hindi makakalusot ang mga dugong kontaminado ng HIV-AIDS sa kanilang mga dalubhasa. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply