E.Samar nilindol

NIYANIG ng lindol na may magnitude na 4.2 ang Dolores, Eastern Samar, madaling-araw ng Martes, Abril 5.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol 1:59 ng madaling araw.

Naitala ang epicenter nito sa 28 kilometro sa hilagang silangan ng Eastern Samar. Hindi naman nakapipinsala ang naturang pagyanig dahil sa napakababaw ng sentro nito na umabot lamang ng 20 kilometro.

Tectonic in origin ang naturang pagyanig. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply