E. Visayas, Mindanao magiging maulan

ISANG low pressure area (LPA) na namataang naka-istambay sa Inter-tropical Convergence Zone (ITZ) ang magdadala ng pag-ulan sa Eastern Visayas at Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Martes, Abril 19.

Namataan ang pinakahuling weather disturbance sa layong 860 kilometro silangan ng Southern Mindanao.
Ang Mindanao at Eastern Visayas ay makararanas ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pagulan, pagkulog at pagkidlat.

Ang extreme Northern Luzon ay makararanas din ng maulap na panahon nay kalat-kalat ding pag-ulan at isolated thunderstorms habang ang kabuuan ng bansa ay medyo maulap ang panahon na may kalat-kalat ding pag-ulan at pagkidlat.

“Light to moderate winds blowing from the Northeast will prevail over Luzon and coming from the Northeast to north over the rest of the country. The coastal waters throughout the archipelago will be slight to moderate,” pahayag pa ng weather bureau. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply