Earth Day sa Abril 25 na

INILIPAT ng Malakanyang ang Earth Day celebration sa Abril 25 mula sa orihinal na petsa nitong Abril 22, kung kailan ginugunita ang Biyernes Santo.

Sa ipinalabas na Administrative Order No. 12 ni Pangulong Benigno Aquino III na nilagdaan noong Abril 19, nakasaad na ang lahat ng mga aktibidades para sa annual commemoration ng Earth Day ay gawin sa unang working day matapos ang Semana Santa sa halip na ituloy ng Biyernes Santo na idineklarang non-working holiday sa bisa ng Proclamation No. 84.

Una na itong ipinalabas ng Chief Executive noong Disyembre 2010.

Ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. minabuti ng Pangulo na i-move ang Earth Day sa Lunes para makapag-participate ang mga Filipino sa activities ng nasabing okasyon at para mas maging meaningful ang selebrasyon.

“The President deems it best to move Earth Day celebrations to April 25 this year to allow more people to participate in the activities and make the occasion more meaningful.”

Ang pagdiriwang ng Earth Day ay naglalayong hikayatin ang lahat na panatilihing maayos ang kapaligiran.

Dagdag pa ni Ochoa: “It likewise aims to strengthen and sustain the fight for a clean environment amid the challenges posed by climate change. Earth Day is now coordinated globally by the Earth Day Network and is celebrated in close to 200 countries every year.” Kris Jose

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply